top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Seminar on Prevention and Health Risk of Teenage Pregnancy



𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐌𝐀𝐓𝐓𝐄𝐑𝐒 | Ginanap nitong umaga ang 𝙎𝙚𝙢𝙞𝙣𝙖𝙧 𝙤𝙣 𝙋𝙧𝙚𝙫𝙚𝙣𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙖𝙣𝙙 𝙃𝙚𝙖𝙡𝙩𝙝 𝙍𝙞𝙨𝙠 𝙤𝙛 𝙏𝙚𝙚𝙣𝙖𝙜𝙚 𝙋𝙧𝙚𝙜𝙣𝙖𝙣𝙘𝙮 sa pangunguna ng Angat Rhu at ng DepEd Tayo - Angel M. Del Rosario High School - 306707, ika-28 ng Abril, 2023 sa AMDRHS Quadrangle.


Sa pambungad na pananalita ni 𝗦𝗶𝗿 𝗘𝗹𝗶𝘀𝗲𝗼 𝗖. 𝗗𝗲𝗹𝗮 𝗖𝗿𝘂𝘇, Punong Guro I ng Angel M. Del Rosario High School, kaniyang pinaalalahanan ang mga mag-aaral na unahin ang pagpapayabong ng sarili at paghahanda sa kinabukasan bago pumasok sa pagpapamilya.

Ipinaliwanag ni 𝗡𝘂𝗿𝘀𝗲 𝗥𝗼𝘀𝗲𝗹𝘆𝗻 𝗔. 𝗚𝘂𝗮𝗻𝘇𝗶𝗻𝗴 ang kahalagahan ng #mentalhealth at kung paano malabanan ang mga pinagdaraanan ng mga kabataan ngayon. Gawing kultura umano ang pangungumusta dahil malaking bahagi ito ng pagbubuo ng tiwala at kagaanan ng loob ng kapwa.


Ibinahagi naman ni 𝗠𝗶𝗱𝘄𝗶𝗳𝗲 𝗔𝗹𝗶𝗰𝗲 𝗠. 𝗙𝗮𝗿𝗱𝗶𝗻𝗼𝗹𝗮 ang kaso ng Teenage Pregnancy sa bansa. Kaniyang binigyang-diin na may tamang panahon sa pagkakaroon ng anak at dapat ay malaman ng kabataan na ang kanilang prayoridad sa ngayon ay ang pag-aaral.


Isang malaking pagkakataon ito sa mga Angelians dahil nasagot ang kanilang mga katanungan at naliwanagan ang kanilang mga isipan sa mga bagay na dapat ay may hangganan.

60 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page