Sektor ng Agrikultura at Pangingisda sa Angat, May mga Bago nang Pinuno matapos ang MAFC Election
- Angat, Bulacan

- 5 days ago
- 1 min read

Upang mas palakasin ang ugnayan ng mga mamamayan at ng lokal na pamahalaan sa pagpapaunlad ng pagsasaka at pangingisda, matagumpay na idinaos ang Municipal Agricultural and Fishery Council (MAFC) Election 2026 nitong nakaraang Hulyo 9, 2026.
Ang halalan ay isinagawa sa ilalim ng pangangasiwa ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng Angat, kung saan nagkaisa ang mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor ng magsasaka at mangingisda upang pumili ng mga bagong pinuno na magiging boses at katuwang ng LGU sa pagbuo ng mga kapaki-pakinabang na programa.
Ipinapaabot ng Pamahalaang Bayan ng Angat at ng MAO ang mainit na pagbati sa mga sumusunod na napiling opisyal na mamumuno sa samahan:
𝐄𝐗𝐄𝐂𝐔𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐈𝐓𝐓𝐄𝐄
𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧: Avelino Cabrera
𝐕𝐢𝐜𝐞-𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧 (𝐏𝐫𝐢𝐯𝐚𝐭𝐞): Filomeno Cruz
𝐓𝐫𝐞𝐚𝐬𝐮𝐫𝐞𝐫: Joel Ramos
𝐀𝐮𝐝𝐢𝐭𝐨𝐫: Benito Martin
𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭𝐚𝐫𝐲 (𝐏𝐫𝐢𝐯𝐚𝐭𝐞): Wilfredo Valte
𝐒𝐄𝐂𝐓𝐎𝐑𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐈𝐓𝐓𝐄𝐄 𝐂𝐇𝐀𝐈𝐑𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍𝐒
𝐑𝐢𝐜𝐞: Jay-R Illescas
𝐏𝐨𝐮𝐥𝐭𝐫𝐲, 𝐋𝐢𝐯𝐞𝐬𝐭𝐨𝐜𝐤: Leonardo Ramos
𝐅𝐢𝐬𝐡𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐀𝐪𝐮𝐚𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞: Joel Ramos
𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐕𝐚𝐥𝐮𝐞 𝐂𝐫𝐨𝐩𝐬: Fernando B. Ubado
𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐚𝐧𝐝 𝐅𝐢𝐬𝐡𝐞𝐫𝐲 𝐌𝐞𝐜𝐡𝐚𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧: Wilfredo Valte

Ang MAFC ay nagsisilbing mahalagang tulay sa pagitan ng mga mamamayan at ng lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga totoong pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda sa bawat barangay.
Sa pagkakahalal ng mga bagong opisyal, inaasahan ang mas pinaigting na mga proyekto sa mekanisasyon, tulong sa pondo at kagamitan, at mga polisiyang magpapatatag sa pangkalahatang sektor ng agrikultura sa Bayan ng Angat.









Comments