top of page
bg tab.png

SEGURIDAD SA NEGOSYO, TINIYAK NG ANGAT MPS!

Updated: Dec 29, 2025


Upang masiguro ang kaligtasan ng mga establisyimento, nagsagawa ng establishment visitation ang Angat Municipal Police Station (MPS) sa Alfamart Convenience Store sa Brgy. Sta. Cruz ngayong araw, Disyembre 28, 2025.


Ang nasabing pagbisita ay pinangunahan ni PEMS Emmanuel G. Hernandez (MESPO), sa ilalim ng superbisyon ni PCPT Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS.


Layunin ng aktibidad na ito na patatagin ang ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng mga negosyante sa bayan. Bukod sa pagtitiyak na sinusunod ang mga safety measures, layon din nito na makakalap ng impormasyon tungkol sa anumang banta sa seguridad upang agad na mapigilan ang kriminalidad sa paligid ng mga komersyal na lugar.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page