top of page
bg tab.png

Seguridad sa kahabaan ng M.A. Fernando Road, Hinigpitan ng Angat MPS sa Pamamagitan ng Mobile Patrolling


Bilang bahagi ng mas pinalakas na kampanya laban sa kriminalidad, nagsagawa ng mobile patrolling ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa kahabaan ng M.A. Fernando Road noong ika-2 ng Enero, 2026.


Ang operasyon na nagsimula bandang alas-8:00 ng gabi ay sumaklaw sa mga barangay ng Sta. Cruz hanggang San Roque. Sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola (OIC), pinangunahan ni Pat John Lloyd Lobos (Patrol PNCO) ang pagpapatrolya gamit ang mga sasakyang pandagat at panlupa ng himpilan.


Ang nasabing aktibidad ay alinsunod sa 7-Focused Agenda ng Acting Chief PNP na naglalayong sugpuin at kontrolin ang mga krimen sa mga lansangan. Layon din nito na tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga motorista at residenteng dumadaan sa naturang kalsada sa gabi. Sa pamamagitan ng aktibong presensya ng kapulisan, hangad ng Angat MPS na mapanatili ang kaayusan at mapigilan ang anumang ilegal na gawain sa komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page