top of page
bg tab.png

Seguridad sa Himpilan, Patuloy na Pinahihigpit; Angat PNP, Muling Nagsagawa ng Inspeksyon sa Custodial Facility


Bilang bahagi ng masusing pagbabantay at pagpapanatili ng kaayusan sa loob ng himpilan, muling nagsagawa ng Inspection of Custodial Facility ang Angat Municipal Police Station (MPS) nitong ika-28 ng Pebrero.


Sa ganap na ika-9:00 ng umaga, pinangunahan ni Pat Murphy T. Caoile, Human Rights PNCO, ang pagsisiyasat sa ilalim ng direktiba ni PCpt. Jayson M. Viola, Officer-in-Charge (OIC). Ang aktibidad ay nakatuon sa pag-inspeksyon ng mga pisikal na istruktura ng piitan na matatagpuan sa Brgy. San Roque.


Pangunahing layunin ng operasyong ito na masigurong ang lahat ng mga bintana, kisame, at rehas na pintuan ay nasa maayos na kondisyon, matibay, at walang anumang senyales ng pagkasira na maaaring gamitin sa hindi awtorisadong paglabas. Ang hakbang na ito ay isang pre-emptive measure ng kapulisan upang mapigilan ang anumang tangkang pagtakas o iba pang hindi inaasahang aktibidad ng mga Persons Under Police Custody (PUPCs).


Binigyang-diin ng Angat MPS na ang regular na inspeksyong gaya nito ay mahalaga upang mapanatili ang kaligtasan hindi lamang ng mga kawani ng pulisya kundi maging ng mga nasa ilalim ng kanilang pangangalaga. Tinitiyak ng pamunuan na ang pasilidad ay nananatiling ligtas, maayos, at naaayon sa mga pamantayan ng seguridad at karapatang pantao.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page