Seguridad sa Brgy. Niugan, Binantayan ng Angat PNP sa Unang Gabi ng Bagong Taon
- Angat, Bulacan

- 5 days ago
- 1 min read

Upang masiguro ang katahimikan at kaligtasan ng mga mamamayan sa pagtatapos ng unang araw ng taon, nagsagawa ng Mobile Patrolling ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa kahabaan ng Brgy. Niugan Road noong alas-10:00 ng gabi, Enero 1, 2026.
Ang operasyon ay pinangunahan ni Pat Gil Nalupa, Patrol PNCO, sa ilalim ng direktiba ni PCPT Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS. Nakatuon ang naturang aktibidad sa pagpigil at pagkontrol sa anumang uri ng kriminalidad sa mga kalsada, lalo na sa panahon ng dis-oras ng gabi na itinuturing na critical times. Sa pamamagitan ng pagpapatrolyang ito, tiniyak ng kapulisan ang kaayusan at seguridad sa lugar upang maging panatag ang loob ng mga residente ng Brgy. Niugan sa pagsisimula ng taong 2026.









Comments