Kalinisan sa Donacion, Tuloy ang Arangkada; Barangay Kalinisan Day, Matagumpay na Isinagawa
- Angat, Bulacan

- 13 hours ago
- 1 min read

Hindi natitinag ang Barangay Donacion sa pagpapanatili ng kaayusan matapos ang matagumpay na pakikiisa sa “Barangay Kalinisan Day” nitong Sabado, ika-21 ng Pebrero, 2026.
Sa ilalim ng pamumuno ng Sangguniang Barangay, katuwang ang mga dedikadong kawani, muling nilinis ang mga kalsada at pampublikong espasyo sa komunidad. Ang lingguhang aktibidad na ito ay bahagi ng mas malawak na programa para sa kalusugan at proteksyon ng kapaligiran laban sa mga sakit at polusyon.
Nanawagan ang pamunuan ng barangay sa bawat residente na gawing bahagi ng kanilang pamumuhay ang paglilinis. "Ang ating pagkakaisa sa paglilinis ay ang pinakamabisang paraan upang mas lalo pa nating mapaganda ang ating barangay at mapangalagaan ang ating kalikasan," ayon sa pahayag ng Sangguniang Barangay.









Comments