top of page
bg tab.png

Seguridad at Tulong-Medikal sa Fun Run, tiniyak ng MDRRMO at Angat Rescue Team

Oct 17
1 min read

Nakalagay na sa full deployment ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Angat Rescue Team, katuwang ang Angat Municipal Health Office (MHO), upang magbigay ng paunang tulong-medikal at umagapay sa seguridad ng mga tatakbo sa ginanap na Fun Run.


Nakatutok ang mga rescue at medical team sa kahabaan ng ruta upang mabilis na makatugon sa anumang pangkagipitang pangangailangan ng mga kalahok at mamamayan.


Nagpaalala rin ang mga awtoridad sa lahat ng mga tumatakbo na panatilihing sapat ang inuming tubig (hydrated) at mag-ingat habang nasa kalsada upang maiwasan ang anumang aksidente o pagkahilo.


Ayon sa MDRRMO, ang mabilisang pagtugon at pag-agapay na ito ay bahagi ng patuloy na komitment ng Pamahalaang Bayan ng Angat na tiyakin ang kaligtasan at kaayusan sa bawat pampublikong aktibidad sa bayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page