SEARCH AND RETRIEVAL OPERATION SA ILOG ANGAT
- Angat, Bulacan

- 3 days ago
- 1 min read

Sa gitna ng pagdiriwang ng bisperas ng Pasko, mabilis na rumesponde ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) - Angat Rescue upang isagawa ang isang Search and Retrieval Operation ngayong araw, Disyembre 24, 2025.
Ang operasyon ay bunsod ng nakarating na impormasyon hinggil sa isang insidente ng pagkalunod sa bahagi ng Poblacion, Norzagaray.
Sa ilalim ng pamumuno ni G. Carlos R. Rivera Jr. (MDRRMO Head) at Maria Lilibeth Trinidad (Operations and Warning), agad na nag-deploy ang departamento ng mga mahahalagang asset. Kabilang sa mga ginamit ang Rescue Boat, Outboard motor, at mga kagamitang pang-sagip tulad ng Rescue Tubes, Rings, at Ropes. Nakiisa sa nasabing operasyon ang buong Angat Rescue Team, kabilang ang mga naka-duty at mga off-duty, upang masigurong magiging masusi ang paghahanap sa kailugan.









Comments