School-Based Immunization Parent Orientation, Matagumpay na Isinagawa ng BHS Encanto

Matagumpay na naisagawa ng Barangay Health Station (BHS) Encanto ang School-Based Immunization Parent Orientation ngayong Nobyembre 4, 2026 bilang paghahanda sa nalalapit na pagbabakuna sa paaralan.
Tinalakay sa nasabing oryentasyon ang kahalagahan, benepisyo, at proteksyong naibibigay ng pagbabakuna sa mga mag-aaral, partikular ang:
MRTD Vaccine (Measles-Rubella / Tetanus-Diphtheria) – para sa mga mag-aaral sa Grade 1
HPV Vaccine (Human Papillomavirus) – para sa mga mag-aaral sa Grade 4 at Grade 5
Layunin ng pagtitipon na mabigyan ng sapat at wastong kaalaman ang mga magulang upang mapawi ang anumang pangamba at mahikayat ang kanilang aktibong pakikiisa para sa kaligtasan ng kanilang mga anak.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang BHS Encanto, sa pangunguna nina Dra. Miel Kathleen B. Franco, RPh, MD, Midwife Genalene Magnaye Salazar, at Nurse Aileen Dela Cruz, gayundin kay School Principal Dr. Ma. Gina M. Del Rosario, sa lahat ng mga magulang at guro na nakiisa at sumuporta sa programang pangkalusugan.
Sa ilalim ng adbokasiyang “Tamang Kaalaman, Tamang Bakuna, Protektadong Kabataan,” patuloy na pinagtitibay ng BHS Encanto at ng paaralan ang pagtutulungan upang mapangalagaan ang kalusugan at kinabukasan ng mga kabataan.










Comments