School-Based Immunization Parent Orientation, Matagumpay na Idinaos sa Osias M. Esteban Elementary School

Matagumpay at makabuluhang idinaos ng Pulong Yantok Health Center ang Orientation of Parents on the Implementation of the School-Based Immunization (SBI) Program for School Year 2026–2027 ngayong Nobyembre 6, 2026 sa Osias M. Esteban Elementary School sa Barangay Pulong Yantok, Angat, Bulacan.
Layunin ng nasabing pagtitipon na maipaliwanag nang malinaw sa mga magulang ang kahalagahan, kaligtasan, at benepisyo ng bakuna bilang mabisang proteksyon ng mga mag-aaral laban sa iba't ibang nakahahawang sakit.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang Pulong Yantok Health Center sa lahat ng mga magulang na dumalo at nagpamalas ng aktibong pakikiisa at suporta para sa pagtataguyod ng kalusugan at kapakanan ng kabataan sa paaralan.










Comments