top of page
bg tab.png

SB Sulucan, Isinagawa ang Pagtatanim para sa 4th Quarter ng HAPAG Project

Oct 24
1 min read


Nagsagawa ng panibagong serye ng pagtatanim ng mga gulay ang Sangguniang Barangay sa pamumuno ni Kgg. Punong Barangay Richard C. Cruz, katuwang ang mga Mother Leaders at LGU Nutrition Linkages / Local Nutrition Workers (LLNs), ngayong Oktubre 24, 2026.


Ang naturang aktibidad ay bahagi ng implementasyon ng Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) Project para sa ikaapat na kuwarter ng taon.


Matagumpay na naitanim sa hardin ang 64 na puno ng kamatis, 54 na puno ng sili pamaksiw, at 1,000 punla ng pechay.


Ayon sa pamunuan ng barangay, ang proyektong ito ay patuloy na itinaguyod upang tiyakin ang pagkakaroon ng sapat, malusog, at ligtas na suplay ng pagkain para sa mga mamamayan, lalo na para sa nutrisyon ng bawat bata sa buong komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page