top of page
bg tab.png

SB Marungko, Pinangunahan ang Weekly Clean-Up Drive


Opisyal na pinangunahan ng Sangguniang Barangay ng Marungko ang muling pagsasagawa ng kanilang Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, Hunyo 6, 2026.


Ang aktibidad na ito ay mas pinatindi ng pamunuan ng barangay ngayong opisyal nang pumasok ang panahon ng tag-ulan, upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente laban sa mga sakit na dala ng baha at pesteng lamok tulad ng dengue.


Nagpasalamat ang Sangguniang Barangay sa lahat ng mga residenteng patuloy na naglalaan ng oras tuwing Sabado upang makiisa sa kalinisan ng komunidad.


Paalala ng pamunuan, ang pagpapanatiling malinis ng bakuran ay simula ng isang malusog at ligtas na pamayanan para sa lahat ng pamilyang naninirahan sa Brgy. Marungko.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page