"SAY NO TO DRUGS": BRGY. DONACION, HINIKAYAT ANG MAMAMAYAN NA MAKIISA LABAN SA ILEGAL NA DROGA
- Angat, Bulacan

- Jul 20
- 1 min read

Lalo pang pinalakas ng Barangay Donacion sa bayan ng Angat ang kanilang adbokasiya laban sa masamang dulot ng ilegal na droga sa pamamagitan ng pagpapatupad ng masigasig na kampanyang layuning protektahan ang pamilya, kabataan, at buong komunidad.
Sa ilalim ng temang "Ang tunay na lakas ay ang pagpili ng tamang landas," nanawagan ang pamunuan ng barangay sa lahat ng residente na maging bahagi ng pagbabago at suportahan ang mga programang nagtataguyod ng isang ligtas, mapayapa, at maunlad na pamayanan.
Binigyang-diin sa nasabing kampanya na ang droga ay nagdudulot ng pagkasira ng mga pangarap, pamilya, at kinabukasan. Dahil dito, hinikayat ang mamamayan na piliin ang kalusugan, edukasyon, at magandang kinabukasan sa halip na malulong sa masamang bisyo.
Inihayag din ng pamunuan na ang pagkakaisa ng bawat isa ang pangunahing susi upang makamit ang layuning maging isang sertipikadong Drug-Free Barangay.
Kaugnay nito, nanawagan ang barangay sa publiko na makialam, makilahok, at maging responsable. Para sa sinumang may impormasyon o nakasasaksi ng mga aktibidad na may kaugnayan sa ilegal na droga, pinapayuhan silang agad na makipag-ugnayan sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) o sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.









Comments