San Roque, Matagumpay na Idinaos ang 2025 Year-End Assessment
- Angat, Bulacan

- Dec 21, 2025
- 1 min read

Naging makabuluhan at puno ng saya ang isinagawang Year-End Assessment 2025 ng Barangay San Roque sa ilalim ng pamumuno ni PB Nerio Santiago Valdesco at ng buong Sangguniang Barangay.
Ang naturang pagtitipon ay layuning suriin ang mga nagawa ng barangay sa nakalipas na taon at magpasalamat sa mga katuwang sa serbisyo.
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan sa mga opisyal na nagbigay ng suporta kabilang sina Cong. Salvador Pleyto, VG Alex Castro, BM Jay De Guzman, at BM Art Legaspi.
Kinilala rin ang mahalagang suporta ng ama ng bayan, Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista, at ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng gobyerno at mga pribadong sponsors, naging masigla at puno ng surpresa ang programa para sa mga lingkod-bayan ng San Roque.









Comments