top of page
bg tab.png

SAMA-SAMANG PAGLILINIS: KAAYUSAN NG BRGY. DONACION, MAS LALONG PINAGTIBAY!


Panibagong hakbang para sa kalinisan at kaayusan ng pamayanan ang naisakatuparan matapos makipagtulungan ang Sangguniang Barangay at mga kawani sa ginanap na “Barangay Kalinisan Day” ngayong Sabado, Hulyo 25, 2026.


Nanguna sa naturang clean-up drive ang mga opisyal ng barangay kasama ang masisipag na opisyal at empleyado upang linisin ang iba't ibang kalsada, daluyan ng tubig, at pampublikong pasilidad sa nasasakupan ng Donacion.


Ayon sa pamunuan, ang aktibidad na ito ay hindi lamang nakatuon sa pagpapanatili ng kagandahan ng kapaligiran, kundi layunin din nitong maiwasan ang anumang banta ng sakit at baha sa komunidad.


Muling nanawagan ang barangay sa lahat ng residente na patuloy na alagaan ang kapaligiran at active na makiisa sa mga susunod pang programa sa paglilinis upang mas lalo pang mapaganda at mapanatiling ligtas ang buong Barangay Donacion.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page