SAMA-SAMANG PAGLILINIS, ISINAGAWA SA SITIO BAGONG SILANG - HI-WAY

Isinagawa ang lingguhang Clean-Up Drive sa kahabaan ng Sitio Bagong Silang - Hi-way, Barangay Baybay nitong Hulyo 25, 2026.
Nagtulong-tulong ang mga opisyal ng barangay at mga residente sa paglilinis ng mga tabi ng kalsada at daluyan ng tubig upang mapanatiling ligtas, maayos, at malinis ang mga pangunahing daanan sa pamayanan.
Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng ating lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Reynante S. Bautista at Vice Mayor Arvin L. Agustin upang panatilihing malinis at ligtas sa anumang sakit ang bawat barangay sa Angat.










Comments