Sama-sama Para sa Malinis na Marungko: Clean-up Drive, Muling Isinagawa
- Angat, Bulacan

- Jul 11
- 1 min read

Muling nagkaisa ang pamunuan ng barangay at ang mga residente sa isinagawang Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, Hulyo 11, 2026, sa iba't ibang bahagi ng Barangay Marungko.
Ang lingguhang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng barangay upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas sa anumang uri ng karamdaman—tulad ng dengue—ang buong komunidad.
Nagtulong-tulong ang mga opisyal, barangay workers, at mga boluntaryong mamamayan sa paglilinis ng mga kalsada, pag-aalis ng mga nakaimbak na basura, at paghawi ng mga bara sa mga daluyan ng tubig.
Muling nagpaalala ang lokal na pamunuan sa lahat ng residente na panatilihin ang disiplina sa pamamahala ng basura sa kani-kanilang mga bakuran upang masiguro ang patuloy na kagandahan at kaligtasan ng Barangay Marungko.









Comments