Sa Tulong ng MSWD Angat, Nanay Teresita, Ligtas na Naibalik sa Pamilya
- Angat, Bulacan

- 6 days ago
- 1 min read

Sa mabilis na koordinasyon ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Angat, ligtas na naibalik sa kanyang tahanan sa Bayan ng Pulilan si Nanay Teresita nitong nakaraang gabi.
Matatandaang si Nanay Teresita ay naging biktima ng isang aksidente sa kalsada sa Brgy. San Roque kahapon, kung saan nagtamo siya ng pinsala sa balikat.

Sa pamamagitan ng pagsisikap ng MSWD na matunton ang kanyang mga kamag-anak, pormal na siyang nasundo at naasikaso ng kanyang pamilya.
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang MSWD Angat sa publiko na laging bantayan at huwag hayaang mag-isa ang ating mga nakatatanda, lalo na ang mga may karamdaman, upang maiwasan ang mga ganitong uri ng insidente.









Comments