Angat MDRRMO, Naglatag ng Ulat ng Tagumpay para sa Taong 2025; Mas Matatag na Paghahanda sa Sakuna, Target sa 2026
- Angat, Bulacan

- 2 hours ago
- 1 min read

Sa layuning mas mapataas ang antas ng kahandaan sa mga sakuna, isinagawa ng Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang kanilang Year-End Presentation na may temang “Pagbabalik-Tanaw — Tagumpay ng Nakaraan, Mas Matatag na Hinaharap.”
Pinangunahan ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO), kasama ang mga pinuno ng iba’t ibang sangay at ang Angat Rescue Team, ang pag-uulat ng mga proyektong naisakatuparan noong taong 2025. Nagbigay ng komprehensibong detalye ang tatlong pangunahing sangay ng departamento:
Training and Administration Division
Research, Planning, and Evaluation
Operations and Warning Division
Ayon sa ulat, hindi lamang tagumpay ang tiningnan sa nasabing presentasyon kundi pati na rin ang mga limitasyong hinarap ng opisina. Layunin nito na makabuo ng mga solusyong maiaangkop para sa taong 2026 upang masiguro ang kaligtasan ng bawat Angateño.









Comments