top of page
bg tab.png

Dalawang Pares ng Mag-asawa, Pinagbuklod sa Munisipyo ng Angat



Sa isang seremonya na puno ng pag-ibig at pag-asa, pinagtibay ni Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista ang sumpaan ng dalawang pares ng magkasing-irog sa ginanap na civil wedding kamakailan sa Tanggapan ng Punong Bayan.


Pormal nang kinilala bilang mag-asawa sina Mr. & Mrs. Mark Francis at Shairmaine De Ocampo, gayundin sina Mr. & Mrs. Aljun at Menchie Mariano. Sa harap ng alkalde, nangako ang mga bagong kasal ng katapatan at pagmamahalan sa harap ng batas at ng lipunan.


Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Jowar ang kahalagahan ng paggawa sa Panginoon bilang sentro ng kanilang pagsasama. Pinayuhan din niya ang mga bagong mag-asawa na laging sikaping isabuhay ang kanilang mga ipinangako sa isa’t isa upang manatiling matatag ang kanilang pamilya, na siyang pundasyon ng isang maunlad na pamayanan.


Ang pagpapadaloy ng mga ganitong seremonya ay bahagi ng patuloy na pagsuporta ng Lokal na Pamahalaan ng Angat sa pagpapatibay ng ugnayan ng bawat pamilyang Angateño.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page