top of page
bg tab.png

Bulacan’s LegenDairy, Kinatawan ng Region III sa National Young Farmers Challenge


Muling gumawa ng ingay ang Bayan ng Angat sa larangan ng agrikultura matapos hirangin ang grupong Bulacan’s LegenDairy mula sa GK Encanto bilang Provincial at Regional Awardee sa prestihiyosong Young Farmers Challenge (YFC) – Start-Up Component (Processing Category).


Ang YFC ay isang pambansang inisyatibo ng Department of Agriculture (DA) na naglalayong suportahan ang mga kabataang pasok sa agribusiness. Sa kategoryang Processing, namukod-tangi ang produktong KESO ng Bulacan’s LegenDairy dahil sa inobasyon, kalidad, at pagiging sustainable nito. Sa kabuuang 33 na kalahok mula sa buong Region III (Central Luzon), isa ang grupo sa dalawang (2) mapapalad na nagwagi na lalahok sa National Level.


Ang grupo ay binubuo nina Rheymart C. Caliguiran, Jeremy Denzell Pedroso, John Aldrin A. Magtira, Maryjane Tiña, at Mickaela D.R. Rafer. Ang kanilang tagumpay ay naging posible sa pakikipagtulungan ng 4H Bulacan, 4H Angat Chapter, at 4H BASC Chapter.


Nagpaabot ng pagbati ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista. "Ang tagumpay na ito ay patunay na ang agrikultura ay may maliwanag na kinabukasan sa kamay ng ating mga kabataan. Kayo ay inspirasyon hindi lamang sa ating bayan kundi sa buong bansa," pahayag ng lokal na pamahalaan.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page