top of page
bg tab.png

SA DATOS NG ANGAT, SAMA-SAMA TAYONG AANGAT!


Mga Angatenyo, abangan ang pagdating ng Municipal Database Monitoring System (MDMS) sa inyong mga tahanan. Ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas epektibong pamamahala at serbisyong handog ng lokal na pamahalaan. Paraan ito ng pagsusuri at pag-tutugma ng mga datos na makakatulong sa mas mabilis at mas maayos na pagtugon sa mga pangangailangan ng bawat isa sa atin.


Sa paglahok natin sa sistema, nagbibigay tayo ng pagkakataon sa ating sarili na maging bahagi ng pagbabago. Ang bawat impormasyong ibinibigay natin ay nagiging susi sa mas epektibong pagpaplano at pagbibigay ng serbisyong pangkomunidad. Kaya naman, inaanyayahan ko kayong maging aktibo at makilahok sa MDMS Survey!


Maraming salamat sa inyong suporta, at sama-sama tayong aangat sa mas mataas na antas ng tagumpay para sa Angat!

8 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page