Maraming salamat sa humigit kumulang 700 Angat TODA drivers na nakasama natin ngayong araw sa Municipal Gymnasium.
Bahagi ng pagtitipon ang pagbibigay ng mga naiprosesong libreng Motorized Tricycle Operators Permit (MTOP) na munting handog ng inyong lingkod. Layunin natin sa pagbibigay ng libreng MTOP na umagapay sa kanilang hanapbuhay at matiyak na nakasusunod ang mga tricycle driver sa mga alituntuntin sa pampublikong pamamasada ng sasakyan.
Naging magandang pagkakataon din ito upang kumistahin ang kanilang kalagayan at konsultahin kung paano pa sila matutuwangan ng ating Pamahalaang Bayan. Binigyan ang bawat isa na magbahagi ng karanasan, linawin ang mga katanungan at magbigay ng ideya para sa mas maayos na serbisyo.
Sa bawat pag-ikot ng inyong tricycle, alam ko na ang bawat tricycle driver ay bahagi ng pag-angat at pag-asa ng ating bayan. Kayo ang mga katuwang sa ekonomiya na nakabase sa mga kalsada at nagdadala nang ligtas sa mga mamamayan sa kanilang destinasyon. Sa likod ng bawat manibela, may malasakit at determinasyon na nagbibigay saysay sa ating hanap-buhay.
Makakaasa ang bawat isang miyembro ng TODA na patuloy ang ating magiging suporta upang maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay
Comments