Rotary Club of Angat, Magsasagawa ng Blood Donation Drive sa Oktubre 18
- Angat, Bulacan

- Oct 8
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Suportahan natin ang panawagan ng Rotary Club of Angat para sa proyektong “Veins of Hope: Saving Lives Through Blood Donation.”
Inaanyayahan ang lahat ng Angatenyo na makiisa sa blood donation drive na gaganapin sa Oktubre 18, 2025 (Sabado) mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa Sta. Monica Parish Church.
Layunin ng proyektong ito na makapagligtas ng buhay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng dugo, at mapalaganap ang kamalayan sa kahalagahan ng boluntaryong blood donation sa komunidad.
Tara’t magkaisa sa pagkilos para sa kabutihan ng kapwa — dahil sa bawat patak ng dugo, may pag-asang nabubuhay!









Comments