top of page
bg tab.png

Angat RHU, Nagsagawa ng Peptalk para sa Blood Donation Program sa Brgy. Marungko


Bilang bahagi ng pagpapalakas ng kampanya para sa sapat na suplay ng dugo sa bayan, matagumpay na isinagawa ng Angat Rural Health Unit (RHU) ang isang Peptalk on Blood Donation Program sa Marungko Health Station noong ika-6 ng Enero, 2026.


Layunin ng aktibidad na ito na magbigay ng tamang impormasyon at kaalaman sa mga residente tungkol sa kahalagahan ng pagdodonate ng dugo. Sa nasabing peptalk, tinalakay ng mga health experts ang mga benepisyo ng pagdodonate hindi lamang para sa mga nangangailangan, kundi maging sa kalusugan ng mismong donor. Binigyang-diin din ang mga kwalipikasyon at proseso upang masigurong ligtas at maayos ang magiging partisipasyon ng mga boluntaryo.


Ang inisyatibong ito ay bahagi ng mas malawak na programa ng Lokal na Pamahalaan ng Angat upang masigurong laging handa ang komunidad sa mga medikal na pangangailangan at dagsa ng mga nangangailangan ng dugo sa hinaharap.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page