top of page
bg tab.png

RHU, Magsasagawa ng Blood Donation Drive sa Brgy. Marungko


Sa layuning makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo, inilunsad ng Angat Rural Health Unit (RHU) ang isang blood donation campaign na may temang "How to Save a Life? Donate Blood."


Ang naturang aktibidad ay gaganapin sa darating na Enero 13, 2026 (Martes), simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali sa Marungko Covered Court. Inaasahang lalahukan ito ng mga boluntaryo mula sa iba’t ibang barangay upang makapag-imbak ng sapat na suplay ng dugo para sa mga emergency cases sa bayan at sa buong lalawigan.


Ayon sa pamunuan ng RHU, ang pagbibigay ng dugo ay hindi lamang pagtulong sa kapwa kundi may benepisyo rin sa kalusugan ng donor. Hinihikayat ang lahat ng mga kwalipikadong residente na makiisa sa programang ito na bahagi ng malawakang adbokasiya ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista para sa isang malusog at handang komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page