Road Pmprovement Project sa Binagbag National High School
- Angat, Bulacan
- Jun 14
- 1 min read

Isang konkretong hakbang para sa mas ligtas, maayos, at maaasahang daan ngayong balik-eskwela para sa ating mga mag-aaral, guro, at buong komunidad.
Ang road improvement project sa tapat ng Binagbag National High School ay bahagi ng tuloy-tuloy na pagkilos ng ating lokal na pamahalaan upang tiyaking ang serbisyong pang-edukasyon ay sinusuportahan ng maayos na imprastruktura.
Hatid nito ang:
Mas ligtas na daan para sa mga estudyante
Mas mabilis na biyahe sa mga magulang at guro
Mas maayos na daloy ng trapiko sa paligid ng paaralan
Ito ang pamahalaang tunay na kumikilos—para sa kabataan, para sa kinabukasan!
Comentários