top of page
bg tab.png

Riprap sa San Roque, Agad na Sinuri ng LGU Angat at DPWH


ree

Agad na kumilos ang Lokal na Pamahalaan ng Angat, sa pangunguna ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista, upang tugunan ang ulat tungkol sa nasirang bahagi ng riprap na matatagpuan sa Barangay San Roque.


Dahil dito, mabilis na nakipag-ugnayan ang LGU sa Department of Public Works and Highway (DPWH) 2nd District Engineering Office para sa agarang pagsasaayos.


Nagtungo rin sa lugar ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sa pamumuno ni Carlos R. Rivera Jr., upang personal na siyasatin ang napinsalang riprap.


Kasabay ng inspeksiyon, nagbigay ng paalala ang MDRRMO sa mga residenteng naninirahan sa tabing-ilog na maging lubos na alerto at handa dahil sa papalapit na Super Typhoon #UwanPH.


Para sa mga emergency, pinayuhan ang mga residente na tumawag sa MDRRMO Emergency Hotline na 0923-926-3393 o 0917-710-5087.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page