RHU Angat, Nagsagawa ng Christmas Outreach at Family Planning Seminar sa Sta. Cruz
- Angat, Bulacan

- Dec 26, 2025
- 1 min read


Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapaskuhan na may temang pangkalusugan, matagumpay na idinaos ng Rural Health Unit (RHU) Angat ang isang Christmas Outreach Program noong Disyembre 22, 2025. Ginanap ang aktibidad sa Pres. Diosdado P. Macapagal Memorial High School na dinaluhan ng mga nanay na nagpapasuso at mga nagdadalang-tao mula sa Barangay Sta. Cruz.
Sentro ng nasabing programa ang pagbibigay ng lecture tungkol sa Family Planning. Layunin nito na maghatid ng tamang kaalaman sa mga ina tungkol sa wastong agwat ng panganganak at pangangalaga sa kalusugan ng pamilya. Bukod sa kaalaman, naghatid din ang RHU ng munting handog at serbisyo bilang bahagi ng kanilang outreach ngayong holiday season, upang masigurong malusog at ligtas ang mga pamilyang Angateño.









Comments