REVIEW OF LDRRMP AND INDICATIVE LDRRM FOR FY 2026
- Angat, Bulacan
- Jun 4
- 1 min read

Tagumpay na naiprisenta ng Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang Local Disaster Risk Reduction and Management Plan para sa taong 2026 hanggang 2029 na ginanap sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.
Ipinresenta ng Angat MDRRMO ang plano na mga proyekto, aktibidad, at programa para sa taong 2026 kung saan inilahad ang mga prayoridad na mga PAPs sa bawat apat na thematic area ng MDRRM.
Naging positibo ang naging komento ng Review Team para sa inilahad na presentasyon para sa LDRRMP 2026. Pinuri rin ang naging Budget Utilization para sa kasalukuyang taon kahit nagkaroon ng Election Ban kung saan hindi maaaring gumawa ng mga proyekto ang departamento.
Nagkaroon lang ng mga minimal na rekomendasyon ang Review Team sa Plano upang mas mapagtagumpayan ang isang Handa, Ligtas, at Panatag na komunidad.
Patuloy na naka suporta ang ama ng Bayan ng Angat at MDRRM Council Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista para sa mas matatag na komunidad sa panahon ng kalamidad.
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
Comments