Responsableng Pagpapamilya at Women Empowerment, Itinampok sa Pre-Marriage Orientation sa Angat
- Angat, Bulacan

- Mar 12
- 1 min read

Bilang bahagi ng paghahanda para sa mas matatag na pundasyon ng pamilyang Angateño, nakiisa ang Angat Municipal Police Station (MPS) sa isinagawang Pre-Marriage Orientation and Counselling (PMOC) ngayong ika-12 ng Marso, 2026, sa Podium ng New Angat Municipal Building.
Ang programa, na pinangunahan ni Ma’am Ludivina Clemente mula sa POPDev, ay nilahukan ng mga tauhan ng Angat MPS sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Joel M. Alba, Acting Chief of Police. Kinatawan ang himpilan nina PMSg Mylene Avon M. Enerlan (MCAD PNCO) at PMSg Jenna M. Galion (WCPD PNCO).
Sentro ng talakayan ang paksang “Responsible Parenthood and Women Empowerment.” Layunin ng nasabing lektyur na bigyan ang mga ikakasal na kababayan ng sapat na kaalaman tungkol sa kanilang mga tungkulin bilang magulang at ang kahalagahan ng paggalang sa karapatan at kakayahan ng mga kababaihan sa loob ng tahanan.
Ayon sa PNP Angat, ang pakikibahagi sa ganitong mga oryentasyon ay mahalaga upang maiwasan ang anumang uri ng karahasan sa pamilya (VAWC) at matiyak na ang bawat bagong mag-asawa ay may sapat na gabay para sa isang mapayapa at maayos na pagsasama. Ang hakbang na ito ay bahagi ng adbokasiya ng Lokal na Pamahalaan na patatagin ang bawat komunidad simula sa pinakamaliit na yunit nito—ang pamilya.









Comments