top of page
bg tab.png

Residente at Opisyal ng Barangay Niugan Nagtulong-tulong sa Paglilinis

Aug 22
1 min read

Ipinagpatuloy ng Sangguniang Barangay ng Niugan ang kanilang lingguhang programa sa kalinisan matapos nitong matagumpay na idaos ang Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, Agosto 22, 2026.


Nagtulong-tulong ang mga opisyal, kawani, at mga residente sa paglilinis ng mga pampublikong pasilidad at kalsada sa paligid ng barangay.


Naging pangunahing layunin ng aktibidad ang pagtatapon ng mga nakaimbak na tubig at basurang pwedeng paitlogan ng mga lamok upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng dengue. Bukod dito, binuksan at nilinis din ang mga kanal at daluyan ng tubig upang masiguro ang maayos na agos nito at maiwasan ang pagbaha sa komunidad.


Muling nagpaalala ang pamunuan ng Barangay Niugan sa lahat ng mga residente na panatilihin ang regular na paglilinis sa kani-kanilang mga bakuran para sa kalusugan at kaligtasan ng buong pamayanan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page