Republic Act No. 12209 Amiyenda sa Motorcycle Crime Prevention Act
- Angat, Bulacan
- May 25
- 1 min read

Sa ilalim ng bagong batas, ang dealer, original owner, o bagong may-ari ng motorsiklo na hindi makasusunod sa tamang proseso ng transfer of ownership sa loob ng 20 working days ay pagmumultahin ng ₱5,000.
Mas mababa na ito kumpara sa dating parusa na ₱20,000 hanggang ₱50,000 na multa at kulong mula 1 buwan hanggang 6 na taon at 1 araw sa ilalim ng lumang batas.
Layunin ng RA 12209 na gawing mas praktikal ngunit epektibo ang pagpapatupad ng batas para sa kaligtasan at kaayusan sa kalsada.
Comments