REBULTO NI RIZAL SA ANGAT, MARKA NG ATING KABAYANIHAN AT PAGMAMAHAL SA BAYAN
- Angat, Bulacan

- Jul 29
- 1 min read

Isa ang Bayan ng Angat sa mga lugar sa ating bansa kung saan may monumento ang isa sa ating mga dakilang bayani na si Gat Jose Rizal. Ang kaniyang imahen na nasa harap ng Parokya ni Santa Monica ay isang buhay na paalala sa kaniyang kabayanihan, katalinuhan, at pagmamahal sa bayan, mga katangiang taglay rin ng mga Angatenyo. Nakaukit sa rebulto ang petsang Disyembre 30, 1927, ang araw kung kailan ito pinasinayaan, sa mismong araw ng pagdiriwang ng kaarawan ni Dr. Jose Rizal.
Ang paglalagay ng mga monumento ng kinikilala natin bilang pambansang bayani ay alinsunod sa Batas Blg. 243 ng Philippine Commission na na nag-aatas sa pagtatayo ng mga monumento para kay Dr. Jose Rizal sa iba’t ibang panig ng bansa. Bilang tugon, maraming pamahalaang lokal ang nagtayo ng kani-kanilang bersyon ng monumento—at isa na rito ang ating Bayan. Sa nalalapit na pagdiriwang natin ng National Heroes’ Day ay patuloy nating isabuhay ang kabayanihan hindi lamang ni Rizal kundi lahat ng mga magigiting na Pilipinong nakipaglaban para sa ating tinatamasang kalayaan.









Comments