MCR Office, Pinangunahan ang Flag Raising Ceremony sa Angat
- Angat, Bulacan

- 1 day ago
- 1 min read

Sa ilalim ng maaliwalas na panahon, muling nagtipon-tipon ang mga pinuno at kawani ng Pamahalaang Bayan ng Angat para sa lingguhang Flag Raising Ceremony ngayong Lunes, ika-9 ng Marso, 2026.
Ang seremonya ay pinangunahan ng mga kawani mula sa Municipal Civil Registry (MCR) Office. Ang aktibidad na ito ay hindi lamang simpleng pagpupugay sa watawat, kundi isang mahalagang bahagi ng kultura ng munisipyo upang paalalahanan ang bawat isa sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Personal na nakiisa sa nasabing programa ang ating Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista at Pangalawang Punong Bayan Igg. Arvin Agustin. Kasama rin sa pagtataas ng watawat sina, Kon. Blem Cruz, Kon. JP Solis at mga Pinuno ng iba’t ibang Tanggapan sa Munisipyo.
Kasabay ng mga opisyal, naroon din ang puwersa ng Angat PNP at Angat BFP, kasama ang lahat ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan, upang ipakita ang solidong suporta sa mga programa ng lokal na gobyerno.









Comments