REBISCO, Maghahatid ng Higit 100 Trabaho sa mga Angatenyo: Local Recruitment Activity, Gaganapin sa PESO Angat
- Angat, Bulacan

- 3 hours ago
- 1 min read

Isang malaking pagkakataon para sa mga naghahanap ng trabaho ang handog ng Public Employment Service Office (PESO) Angat sa pakikipagtulungan ng kilalang kumpanyang REBISCO (Multirich Foods Corp.). Nakatakdang ganapin ang isang Local Recruitment Activity sa ika-8 ng Abril, 2026, sa ganap na alas-9:00 ng umaga.
Gaganapin ang face-to-face interview sa PESO Office, Ground Floor ng New Municipal Building sa Celestial City, Brgy. San Roque. Ang mga mapalad na matatanggap ay itatalaga sa planta ng Rebisco sa Marilao, Bulacan.
Narito ang mga bakanteng posisyon na naghihintay para sa mga kwalipikadong aplikante:
Production Workers (100 Pax): Bukas para sa mga 18-50 taong gulang; kahit Elementary o High School graduate ay pwedeng mag-apply.
Mechanical Technicians/Helpers (10 Pax): Vocational/Technical graduate na may TESDA NC II at karanasan sa maintenance.
Pahinante/Helpers (5 Pax): Physically fit at kayang magbuhat ng mabibigat na karga.
Generator/Solar Energy Operators (3 Pax): May kaalaman sa genset at solar PV systems.
Aircon Technicians (2 Pax), Releasing Checkers (2 Pax), at Storekeepers (2 Pax).
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng programa ni Mayor Reynante S. Bautista na mailapit ang mga disenteng trabaho sa mga mamamayan ng Angat upang matulungan ang bawat pamilya na magkaroon ng matatag na kabuhayan.
Pinapaalalahanan ang lahat ng interesadong aplikante na magdala ng updated resume at sariling black ballpen. Maaari ring mag-register nang maaga sa opisyal na online form ng PESO para sa mas mabilis na proseso.









Comments