top of page
bg tab.png

Puspusang Weekly Clean-Up Drive, Matagumpay na Isinagawa sa Brgy. Sta. Cruz


Naging matagumpay ang naganap na Weekly Clean-Up Drive sa Barangay Sta. Cruz nitong Mayo 30, 2026 bilang paghahanda sa pagpasok ng tag-ulan.


Ang nasabing paglilinis ay maagang hakbang ng barangay upang masigurong malinis ang mga daluyan ng tubig at maiwasan ang pagbaha sa komunidad bago pa man magsimula ang buwan ng Hunyo.


Nagtulungan ang mga opisyal ng barangay, mga tanod, at mga residenteng boluntaryo sa pag-alis ng mga barado at stagnant na tubig sa mga kanal, gayundin sa pagwawalis ng mga tuyong dahon at plastik sa mga pangunahing kalsada. Tutok din ang operasyon sa paggiba ng mga posibleng pamugaran ng mga lamok na nagdadala ng dengue.


Humihingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng barangay sa huling pag-post ng mga larawan at ulat, ngunit binigyang-diin na ang mas mahalaga ay ang maagang aksyon at bayanihan na ipinamalas ng mga mamamayan ng Sta. Cruz para sa kaligtasan ng lahat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page