PUPCs Sumailalim sa Regular na Medical Check-Up sa Pangunguna ng Angat MPS
- angat bulacan
- Oct 30
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Bilang bahagi ng pangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng mga Persons Under Police Custody (PUPCs), isinagawa ng Human Resource and Administration Office (HRAO) ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang regular na medical check-up ng mga PUPCs para sa buwan ng Oktubre 2025.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Angat Rural Health Unit at Norzagaray Hospital, sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge ng Angat MPS.
Layunin ng regular na health check-up na:
Masuri ang kalusugan ng mga PUPCs
Maiwasan ang posibleng sakit o komplikasyon
Hikayatin ang malusog na pamumuhay kahit nasa kustodiya
Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng patuloy na pagsusumikap ng Angat PNP sa pagtugon sa mga basic rights at welfare ng mga nasa kanilang pangangalaga, kasabay ng pagpapatupad ng batas.









Comments