top of page
bg tab.png

PNP Angat, Kaisa sa Pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong Marso


Pormal nang nakiisa ang Angat Municipal Police Station (MPS) sa pambansang pagdiriwang ng National Women’s Month na magsisimula ngayong ika-1 hanggang ika-31 ng Marso, 2026.


Bitbit ang temang "WE for Gender Equality & Inclusive Society," layunin ng kapulisan na kilalanin ang mahalagang papel at kontribusyon ng mga kababaihan sa lipunan, lalo na sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bayan ng Angat.


Ang pagdiriwang ngayong taon ay nakatuon sa pagpapatibay ng adbokasiya para sa gender equality. Binibigyang-diin ng temang "WE" (Women and Everyone) na ang pagkamit ng isang inklusibong lipunan ay hindi lamang laban ng mga kababaihan, kundi responsibilidad ng bawat mamamayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page