top of page
bg tab.png

Pulong Yantok, Nagbunyi! Igg. Renato San Pedro, Pinarangalan Bilang 'Outstanding Punong Barangay of the Year'


ree

Isang karangalan ang iniuwi ng Barangay Pulong Yantok matapos tanggapin ni Punong Barangay Renato Abong San Pedro ang parangal na "OUTSTANDING PUNONG BARANGAY OF THE YEAR" sa 2025 Excellent Filipino Awards.


Ginanap ang awarding ceremony noong Nobyembre 7, 2025, sa Centennial Hall, The Manila Hotel.


Ayon sa pahayag ng barangay, kasama ni Kapitan San Pedro sa pagtanggap ng parangal ang kanyang maybahay na si Mrs. Maricel San Pedro, na walang sawang sumusuporta sa kanya.


Bilang pasasalamat, inialay ni Kapitan San Pedro ang kanyang karangalan sa kanyang nasasakupan:

“Ako poʻy nagpapasalamat sa ating mga ka-barangay. Inaalay ko po ang aking award na ito sa inyo.”

Ang pagkilalang ito ay nagpapatunay sa tapat na pamumuno at makabuluhang kontribusyon ni Kapitan San Pedro sa pag-unlad ng Barangay Pulong Yantok.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page