top of page
bg tab.png

Pugay Tagumpay 2025: 433 Pamilya sa Angat, Nagtapos sa 4Ps at Naging Self-Sufficient


ree

Isang makabuluhang selebrasyon ang isinagawa sa Angat para sa 433 exiting households ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), na nagtapos sa programa matapos maabot ang self-sufficiency o kakayahang tumayo sa sarili nilang mga paa.


Tinawag na "Pugay Tagumpay 2025: Kwento ng Pangarap, Pagtataya, Pagtataguyod, at Pagbabago," kinilala ng seremonya ang tibay, sipag, at pagsusumikap ng mga pamilya.



Pinangunahan ang programa nina MSWDO Menchie Bollas at Municipal Link Maricris Galos kasama ang mga opisyal ng LGU at DSWD FO III:


  • Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista

  • Konsehal JP Solis

  • Iba pang Department Heads


Tampok sa okasyon ang Ceremonial Turnover of Case Folders at ang pagkilala sa mga nagtapos ng TESDA at PESO Skills Training.


Nagbigay ng inspirasyon si Mailyn Camposano, isang proud Pantawid graduate, sa pamamagitan ng kanyang kwento ng pag-ahon:

“Nagsimula kami sa isang maliit na kubo sa tabi ng ilog at kayod ng kayod bawat araw. Dumating ang Pantawid at unti-unting nagbago ang aming buhay. Nakapag-aral ang mga anak, nakapagpaayos ng bahay, at nakapagsimula ng kabuhayan. Hindi masama ang ipinanganak na mahirap; ang masama ay ang mamatay na mahirap dahil wala tayong ginawa.”


Ang pagtatapos ng 433 pamilya sa programa ay itinuturing na hindi wakas, kundi simula ng mas matatag na pamumuhay. Ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng tunay na diwa ng Pugay Tagumpay, ang pag-angat na pinaghirapan, pinagsikapan, at ipinagmalaki ng mga Angateño.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page