Pabatid❗️
Sa darating na Enero 3, 2023 ay maaari na pong makapagrequest ng PSA DOCUMENTS (Birth Certificate, Marriage Certificate, Death Certificate at CeNoMar thru PSA BREQS-Angat.
Mas mapapadali, makakamura at hindi nyo na kailangang lumabas pa ng ating bayan upang makakuha ng mga nasabing dokumento. Sa loob ng 1-5 working days ay mairerelease na ang inyong request.
📌Ang halaga ng bawat PSA Documents ay ang mga sumusunod:
A. BIRTH, MARRIAGE & DEATH Certificate- P 230.00
B. Certificate of No Marriage (CeNoMar)- P 285.00
📌Para sa mga nais magrequest, kayo po ay dapat magdala ng mga sumusunod:
1. VALID ID-kung ikaw ang may-ari, asawa o anak.
2. VALID ID ng KUKUHA at MAY-ARI ng DOKUMENTO at AUTHORIZATION LETTER-para sa mga otorisadong maglakad ng dokumento.
Cut-off ng pagtanggap ng request ay tuwing: MIYERKULES (12nn)
Ang aming opisina ay bukas mula 8:00 ng umaga
hanggang 4:30 ng hapon. Kung kayo ay may katanungan, maaaring tumawag sa +(0947) 891 1073, magmessage dito sa aming FB page o kaya naman ay mag email sa lcrangatbulacan@gmail.com.
Comentarios