Pagkuha ng mga Dokumento sa PSA, mas Pinadali sa BREQS Outlet ng Angat LGU

Inianunsyo ng Angat Municipal Civil Registry Office (MCR) na patuloy na bukas ang kanilang Batch Request Entry System (BREQS) Outlet para sa mga mamamayang nais magkaroon ng opisyal na kopya ng kanilang PSA Civil Registry Documents tulad ng Birth, Marriage, Death Certificate, at CENOMAR.
Matatagpuan ang naturang pasilidad sa loob ng Pamahalaang Bayan ng Angat at bukas para magproseso ng mga kahilingan mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Ayon sa MCR, mayroong dalawang linggong processing time ang pagkuha ng dokumento sa pamamagitan ng BREQS. Para sa request batch na ginawa mula Setyembre 24 hanggang Setyembre 30, 2026 (hanggang 3:00 PM cut-off), nakatakda ang paglalabas (release date) ng mga naiproseso na dokumento sa Oktubre 13, 2026.
Pinapaalalahanan din ng tanggapan ang publiko na mahigpit nilang ipinapatupad ang patakarang "No Payment, No Process" para sa lahat ng transaksyon sa PSA BREQS.










Comments