PSA Documents, Maaaring I-request sa Tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Angat
- angat bulacan
- Oct 17
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Bukas ang PSA BREQS Outlet sa loob ng Pamahalaang Bayan ng Angat upang tumanggap ng mga aplikasyon para sa kopya ng mga dokumentong mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) gaya ng Birth Certificate, Marriage Certificate, Death Certificate, at CENOMAR.
Tumatanggap ang opisina mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes. Layunin ng BREQS (Batch Request Entry System) na mas mapabilis at mas mapadali ang proseso ng pagrerequest ng mga nasabing dokumento, nang hindi na kailangang bumiyahe pa sa malalayong PSA offices.
Detalye ng Proseso:
Request Period: Oktubre 16–23, 2025
Cut-off Date & Time: Oktubre 23, 2025, 3:00 PM
Release Date: Nobyembre 3, 2025
Processing Time: 2 linggo
Pinaalalahanan ang publiko na may cut-off kada Huwebes, kaya’t hinihikayat ang mga nagnanais na mag-request na isumite ang kanilang aplikasyon bago ang itinakdang oras upang maisama sa kasalukuyang batch ng processing.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumungo sa PSA BREQS Outlet sa loob ng munisipyo o makipag-ugnayan sa kanilang opisyal na tanggapan.









Comments