top of page
bg tab.png

PSA BREQS Outlet sa Angat, Patuloy na Tumatanggap ng Request para sa PSA Documents

ree

Angat, Bulacan — Patuloy na nagbibigay ng serbisyo ang PSA BREQS Outlet ng Pamahalaang Bayan ng Angat upang mas mapadali para sa mga residente ang pagkuha ng kanilang mga PSA documents gaya ng Birth Certificate, Marriage Certificate, Death Certificate, at Certificate of No Marriage (CENOMAR).


Ang opisina ay bukas mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, sa loob ng Municipal Hall ng Angat.


Detalyadong Iskedyul ng Pagrerequest

Para sa mga nagnanais magproseso ng kanilang mga dokumento, narito ang iskedyul:

  • Request Period: September 19–25, 2025

  • Cut-off Date and Time: September 25, 2025, 3:00 PM

  • Release Date: October 6, 2025


Ang processing period ng mga dokumento ay dalawang (2) linggo, kaya pinapayuhan ang mga aplikante na magproseso nang maaga bago ang cut-off schedule.


Layunin ng Serbisyo

Ang PSA BREQS Outlet ay itinatag upang mapadali ang access ng mga mamamayan sa mahahalagang dokumentong personal, nang hindi na kailangang bumiyahe pa sa mga tanggapan ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa labas ng bayan.


Ayon sa lokal na pamahalaan, ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Bayan ng Angat na maghatid ng maginhawa, mabilis, at episyenteng serbisyo publiko para sa mga Angateño.


“Sa Angat, serbisyong abot-kamay para sa bawat mamamayan.”

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page