PSA BREQS Outlet sa Angat, Naglabas ng Bagong Iskedyul para sa Buwan ng Pebrero
- Angat, Bulacan

- 3 days ago
- 1 min read

Patuloy na inilalapit ng Angat Municipal Civil Registry Office (MCRO) ang mga pangunahing serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbubukas ng PSA BREQS Outlet sa loob ng Pamahalaang Bayan.
Layunin ng nasabing serbisyo na mas mapadali ang pag-request ng mga mahahalagang dokumento tulad ng Birth Certificate, Marriage Certificate, Death Certificate, at CENOMAR nang hindi na kailangang lumuwas pa sa mga malalayong PSA centers.
Para sa kasalukuyang batch ng aplikasyon, narito ang itinakdang iskedyul:
Panahon ng Pag-request: Pebrero 6 hanggang Pebrero 12, 2026.
Cut-off ng Aplikasyon: Pebrero 12, 2026 (Huwebes), sa ganap na 3:00 ng hapon.
Petsa ng Pagkuha (Release): Pebrero 23, 2026.
Ipinaaalala ng tanggapan na ang pagproseso ng mga dokumento ay tumatagal ng dalawang (2) linggo at mahigpit na ipinatutupad ang polisyang "No Payment, No Process." Pinapayuhan ang mga nais kumuha ng dokumento na magtungo sa MCRO mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon para sa kanilang mga transaksyon.









Comments