PSA BREQS Outlet sa Angat, Bukas Para sa mga Nais Magproseso ng PSA Documents
- angat bulacan
- Sep 5
- 1 min read

Angat, Bulacan — Patuloy na tumatanggap ng mga request para sa PSA documents ang PSA BREQS Outlet ng Pamahalaang Bayan ng Angat upang maghatid ng mas mabilis at maginhawang serbisyo para sa mga mamamayan.
Maaaring magproseso ng Birth Certificate, Marriage Certificate, Death Certificate, at Certificate of No Marriage (CENOMAR) sa tanggapan ng PSA BREQS na matatagpuan sa loob ng Municipal Hall ng Angat, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.
Iskedyul ng Pagrerequest at Paglabas ng Dokumento
Para sa kasalukuyang schedule ng pagproseso, narito ang mga detalye:
Request Period: September 12–18, 2025
Cut-off Date and Time: September 18, 2025, 3:00 PM
Release Date: September 29, 2025
Ang pagkuha ng mga dokumento sa pamamagitan ng PSA BREQS Outlet ay may two-week processing period, kaya pinapayuhan ang mga aplikante na maghain ng request bago ang itinakdang cut-off upang maiwasan ang pagkaantala.
Layunin ng Serbisyo
Ang PSA BREQS Outlet ay inilunsad upang mapalapit sa mga mamamayan ang serbisyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) at maiwasan ang mahabang biyahe at pila sa mga regional office.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang programang ito ay bahagi ng patuloy na inisyatibo ng Bayan ng Angat sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Reynante “Jowar” S. Bautista, Punong Bayan, para sa mabilis, episyente, at maaasahang serbisyo publiko.
“Serbisyong mabilis, abot-kamay, at para sa lahat — sa Bayan ng Angat, asahan ang maayos na serbisyo publiko.”









Comments