PSA BREQS Outlet sa Angat, Bukas na para sa Pagproseso ng mga Dokumento
- angat bulacan
- Oct 3
- 1 min read

Angat, Bulacan — Bukas na ang PSA BREQS Outlet sa loob ng Pamahalaang Bayan ng Angat para sa mga nagnanais kumuha ng kopya ng kanilang PSA documents tulad ng Birth Certificate, Marriage Certificate, Death Certificate, at CENOMAR.
Tumatanggap ng request ang tanggapan mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Narito ang iskedyul para sa kasalukuyang batch ng mga request:
Petsa ng Pagrerequest: Oktubre 2–9, 2025
Cut-off: Oktubre 9, 2025, hanggang 3:00 ng hapon
Petsa ng Paglabas ng Dokumento: Oktubre 20, 2025
Ang lahat ng request ay may dalawang linggong processing time mula sa cut-off date. Ang mga kahilingang lalampas sa cut-off ay isasama na sa susunod na batch.
Layunin ng PSA BREQS (Batch Request Entry and Query System) na gawing mas madali, mabilis, at accessible ang pagkuha ng mahahalagang dokumento para sa mga mamamayan ng Angat.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang opisina sa oras ng trabaho.









Comments