top of page
bg tab.png

PROTEKSYON SA PANANIM AT ALAGANG HAYOP: FARMERS SA ANGAT, HINIMOK NA MAGPA-INSURE SA PCIC


Panawagan ngayon ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng Angat sa mga lokal na magsasaka at mangingisda ang pagpaparehistro ng insurance sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) upang maprotektahan ang kanilang kabuhayan laban sa epekto ng sakuna at sakit.


Maaaring magsadya ang mga nais magpa-insure sa tanggapan ng Municipal Agriculture na matatagpuan sa New Municipal Hall, Lunes hanggang Huwebes, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.


Inilabas ng MAO ang listahan ng mga kinakailangang impormasyon at detalye sa pagpaparehistro base sa uri ng sektor:

  • Lokasyon ng Sakahan: Pangalan ng mga may-ari ng lupang nakapalibot sa sinasaka (Hilaga, Kanluran, Silangan, at Timog).

  • Rice, Corn, High Value Crops, at Fruit-Bearing Trees: Uri o variety ng pananim at eksaktong petsa ng pagtatanim.

  • Fisheries at Livestock: Uri ng breed, kung island born o imported, edad, kaarawan, at petsa kung kailan nabili o nakuha ang alaga.


Nagpaalala rin ang tanggapan na sakaling mapinsala ng sakuna o tamaan ng sakit ang mga pananim o alagang hayop, agad na magtungo sa kanilang opisina upang maiproseso ang Notice of Loss at iba pang kailangang ulat para maipagkaloob ang kaukulang benepisyo ng insurance.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page